Submissions

Login or Register to make a submission.

Author Guidelines

Inaanyayahan ang mga manunulat na magsumite ng kanilang pananaliksik sa journal na ito. Ang lahat ng isusumiteng artikulo ay susuriin muna ng patnugot upang matiyak kung ito ay umaayon sa layunin at saklaw ng Dalúm. Ang mga artikulong matutukoy na angkop ay ipapadala para sa peer review upang matukoy kung ito ay tatanggapin para sa publikasyon o hindi.

Bago magsumite, responsibilidad ng may-akda ang pagkuha ng pahintulot para sa anumang materyal na isasama sa artikulo—tulad ng larawan, dokumento, at datos—upang mailathala ito nang ligal. Kinakailangang lahat ng nakalistang may-akda ay may pahintulot at kaalaman ukol sa kanilang pagkakabilang sa artikulo bilang may-akda. Kung kinakailangan, ang pananaliksik ay dapat dumaan sa pagsang-ayon ng nararapat na komiteng etikal alinsunod sa mga legal na alituntunin ng bansang kinabibilangan ng pag-aaral.

Maaaring agad tanggihan ng patnugot ang isang artikulo kung ito ay hindi nakaaabot sa batayang pamantayan ng kalidad. Bago magsumite, tiyaking maayos ang estruktura ng disenyo ng pananaliksik at malinaw ang daloy ng argumento o analisis. Dapat na maikli at malinaw ang pamagat, at ang abstrak ay kailangang nakatatayo nang mag-isa bilang buod ng buong pag-aaral. Ang pagsunod sa mga pamantayang ito ay makatutulong upang tanggapin ng mga tagasuri ang artikulo para sa peer review.

Kapag kampante na ang may-akda na ang artikulo ay umaabot sa kinakailangang pamantayan, mangyaring sundin ang checklist sa ibaba bilang gabay sa tamang paghahanda ng artikulo para sa pagsusumite.

Submission Preparation Checklist

Ang lahat ng pagsusumite ay kinakailangang tumupad sa mga sumusunod na kahingian:

  • Ang pagsusumiteng ito ay nakatutugon sa mga kahingian na nakasaad sa Author Guidelines.
  • Ang gawaing ito ay hindi pa nailalathala kailanman at hindi rin kasalukuyang isinasaalang-alang ng ibang journal para sa publikasyon.
  • Ang lahat ng sanggunian ay nasuri para sa katumpakan at pagiging kumpleto.
  • Ang lahat ng mga talahanayan at pigura ay may tamang bilang at label.
  • Nakakuha ng pahintulot para mailathala ang lahat ng larawan, datos, at iba pang materyales na isinama sa pagsusumite na ito.

Articles

Section default policy

Privacy Statement

Ang Dalúm: Isang Interdisiplinaryong Journal ng Filipino ay lubos na gumagalang sa karapatan sa pribasiya ng mga manunulat, tagasuri, mambabasa, at iba pang kalahok sa proseso ng publikasyon. Ipinapangako namin na ang lahat ng personal na impormasyong kinokolekta sa panahon ng pagsusumite, pagsusuri, at publikasyon ay gagamitin lamang para sa layuning pang-editoryal at administratibo ng journal, alinsunod sa mga probisyon ng Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay bahagi ng aming patakaran sa pribasiya:

  1. Koleksyon ng Personal na Impormasyon
    Kinokolekta lamang ng journal ang mga impormasyong kinakailangan upang maisakatuparan ang pagsusuri at publikasyon ng mga artikulo, tulad ng pangalan, email address, institusyonal na ugnayan, at iba pa. Hindi kami nangongolekta ng sensitibong personal na impormasyon maliban kung may malinaw na pahintulot mula sa indibidwal.

  2. Paggamit ng Impormasyon
    Ang impormasyong nakalap ay gagamitin lamang para sa:

    • Pakikipag-ugnayan kaugnay ng pagsusumite o rebisyon ng artikulo.
    • Pagpapadala ng abiso ukol sa desisyon ng patnugot.
    • Pagtukoy sa mga tagasuri at posibleng manunulat sa hinaharap (na may pahintulot).
    • Panloob na analisis para sa pagpapahusay ng operasyon ng journal.
  3. Pagprotekta ng Datos
    Ang lahat ng impormasyong kinokolekta ay iniingatan gamit ang mga naaangkop na hakbang pangseguridad upang maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access, pagbabago, o paglalantad ng datos.

  4. Pagsunod sa Data Privacy Act of 2012
    Ang Dalúm ay sumusunod sa Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012, kabilang ang mga patakaran at alituntunin ng National Privacy Commission. Kami ay tinitiyak na ang inyong mga karapatan bilang data subject—tulad ng karapatang maabisuhan, makakuha ng kopya ng impormasyon, at maitama o mapatanggal ang mga ito—ay lubos na pinangangalagaan.

  5. Pagsisiwalat sa Ikatlong Partido
    Hindi ibinabahagi ng Dalúm sa mga ikatlong partido ang anumang personal na impormasyon ng mga tagagamit nito, maliban kung kinakailangan ng batas, may pahintulot ng data subject, o kung ito ay bahagi ng lehitimong prosesong pang-editoryal (halimbawa, blind peer review na hindi nagpapakilala sa tagasuri).

  6. Panahon ng Pag-iingat ng Datos
    Ang personal na impormasyon ay itinatago lamang sa panahon ng aktibong proseso ng pagsusumite at publikasyon. Matapos nito, ang impormasyon ay ligtas na winawasto o winawasak ayon sa aming internal na patakaran.

Para sa anumang katanungan o alalahanin ukol sa inyong pribasiya at karapatan bilang data subject, maaari kayong makipag-ugnayan sa editorial board ng Dalúm sa pamamagitan ng aming email: editors@jmc.edu.ph.